Monday, February 23, 2015

PANAHON NG PAGTUKLAS



Panahon ng Pagtuklas

Ang Panahon ng Pagtuklas (Ingles: Age of Discovery o Age of Exploration) ay isang panahon sa kasaysayan na nagsisimula sa mga unang dekada ng ika-15 siglo at nagpatuloy hanggang sa simula ng ika-17 siglo na kung kailan ang mga Europeo ay nagsagawa ng masisigasig na pagtuklas sa daigdig, na kung saan sila ay nagsipagtaguyod ng mga ruta sa Aprika, mga Amerika, Asya at Oceania, at sa gayon ay nagawaan ng mapa ang buong planeta.



______________Dahilan ng Paglalayag_______________


1. Ano ba talaga ang hugis ng mundo? Mahuhulog ka nga kaya pagdating sa natatanaw na tila dulo ng dagat? Anong mga lugar pa ang matatagpuan sa dako pa roon at rito? Sino ang mga naninirahan sa lugar na ito?” 

Ito ang "curiosity" ng mga naunang henerasyon. Ang mga diwang ito ang ang siya nagbigay lakas sa taong harapin ang anumang pagsubok na daratal sa paglalakbay, gamit ang rutang dagat o lupa man. 

2. Nais na maipakilala ang Kristiyanismo sa mga taong may ibang pananampalataya at ang mga tinuturing na “pagano” ng mga Europeo.
Dagdag kaalaman:
Isa ito sa sa mga layunin ng pag-sakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sila ang nag-dala ng kristiyanismo sa ating bansa.

3. Pag-aangkat ng mga negosyante sa produktong pampalasa, seda, at iba pa ng mga Asyano sapagkat ito ay mas higit na mura nila mabibili. 

Aksidenteng nadatnan ng mga Espanyol (Ferdinand Magellan) ang Pilipinas. Ang kanilang tunay na hangarin ay hanapin ang "Spice Island" na Maluku Island. 


IBA PANG DAHILAN:
 1.   Paghahanap ng ginto at pampalasa
2.   magkaroon ng kapangyarihan at katanyagan
3.   Palaganapin ang Kristiyanismo   
4.   Pag-unlad ng agham at teknolohiya
5.   Makipagsapalaran
6.   Makapagpatayo ng mga base militar
7.  
Matupad ang tungkulin ng mga puti (white man’s burden)
 


LAYUNIN NG MGA PAGLALAYAG: 
3 G's
GOLD
GLORY
 GOD 

             PORTUGAL             



Ang Portugal ay nanguna sa sistematikong paglulunsad ng ekspidisyon. Ito ay naging posible dahil sa pagkakaroon ng malaking interes ni Prinsipe Henry. Siya ay kilala bilang “manlalayag” o “navigator”. Taong 1416 ng itinatag niya ang paglalayag patungo Asya gamit ang daang patimog o pasilangan. Pinagsama niya ang mahuhusay na mandaragat, dalubhasa sa heograpiya, kartograper, astronomer at manggawa ng barkong kinabibilangan ng mga Arabae, Italyano at Hudyo. Noong 1488, 28 taon matapos mamatay si Prinsipe Henry, narating ni Bartholomew Diaz ang dulo ng timog na bahagi ng Africa tinawag itong Cape of Good Hope
Muling nagpadala ng ekspidiyon ang hari matapos ang pagtuklas nila ng daan patungong Indian Ocean sa ilalim ng pangangasiwa ni Vasco de Gama. Tinahak niya ang ruta ni Diaz at nakarating sa Calicut, India. Hindi humanga ang mga Indian sa produktong dala nila ay nagawa naman nilang makuha ang permiso sa pakikipagkalakalan dahil ginamitan nila ito ng dahas. 

Ipinagmalaki nila ang bagong sandata sa pakikidigma- ang kanyon.

Narating ni Pedro Cabral ang Brazil at inari ito para sa ngalan ng hari ng Portugal kahit na may mga naninirahan na roon. Ang italyanong si Amerigo Vespucci naman ay naglingkod din sa hari ng Portugal. Tinawid niya ang Atlantic Ocean at narating ang Kapuluan ng America. Tinawag niya itong “bagong mundo”. Ang pangalang America ay hango sa pangalan ni Vespucci. 



             S P A I N            



Si Cristopher Colombus ng Italy ay lumapit sa hari ng Portugal upang idulong ang mungkahing tahakin ang pakanlurang ruta patungong Asia. Hindi it sinang-ayunan ng hari ng Portugal kaya’t sa hari at reyna ng Spain siya dumulog. Pinayagan siya at nagsimula ang ekspidisyon noong 1492.
Mga Pangyayari sa Paglalayag ni Colombus
  1. Namataan ng grupo ni Colombus ang isla ng Bahamas sa Caribbean at tinawag itong San Salvador. Ang lugar na ito ay tinatawag na Sanana Cay ng mga Arwak na mga katutubo doon.
  2. Sa tulong ng mga Arwak at nagalugad nila ang Cuba at Hispaniola. Inakala nilang narating na nila ang Japan at tinawag ang mga isla bilang Indies at ang mga tao ay kilala bilang mga Indians.
  3. Nagdala ng mga Arawak si Colombus pabalik ng Spain upang patunayang narating niya ang Asya. Sa kanyang pagdating ay tinanghal siya bilang “Admiral ng mga Dagat”
  4. Muling nakapaglakbay si Colombus at narating pa niya ang mga lugar na Dominica, Guadeloupe, Antigua, Jamaica at inari ito sa ngalan ng monarko ng Spain.


==C O L O M B U S  L O S T  V O Y A G E==




Vasco de Gama

Nakapagtatag naman ng pamayanan sa Panama ang mga Espanyol sa ilalim ng manlalayag na si Vasco Nunez de Balboa. Tinawid niya ang Isthmus ng Panama at nasilayan ang Pacific Ocean.



==V A S C O  D E  G A M A==


Ferdinand Magellan

Ibinigay kay Ferdinand Magellan, isang Portuges ang paggamit ng kanlurang ruta at pagtawid sa Pacific Ocean. Tinawag niya itong Pacific na nangangahulugang mapayapa. Narating nila ang Pilipinas at dito napatay si Magellan sa isa labanan sa pagitan ng puwersa niya at mga Pilipinong hindi kinikilala ang kapangyarihan ng Spain.

==FERDINAND  MAGELLAN==



Kasunduang Torsedillas

Noong 1494, pinirmahan ng Spain at Portugal ang Kasunduang Tordesillas na nagsasad ng paghahati ng mundong matatagpuan sa timog ng dalawang lugar na ito. Ang magiging palaandaan ay 1000 milya sa kanluran ng Azores na matatagpuan sa Atlantic Ocean. Mapupunta sa Portugal ang gawing silangan at sa Spain naman ang sa kanluran. Nagkaroon ng pagbabago sa linya ng palatandaan noong 1529 na kung saan ang Pilipinas ay nasa kapangyarihan ng Portugal ngunit dahil hindi ito sinakop ng Portugal, sinakop ito ng Spain.


            GREAT BRITAIN         


Habang ang Spain at Portugal ay nagpapadala ng ekspidisyon abala naman ang Great Britain sa internal na kaguluhan nito. Sa huling bahagi ng ng mga 1500, naging interesado ang mga negosyante nitong makakiha ng mga pampalasa para sa kanilang kapakinabangan ngunit ang daanan ay kontrolado na ng Portugal at Spain. Ginamit nila ang paghaharang o kung tawagin ng iba’y “pamimirata” sa pabalik na mga barko ng Spain at Portugal na lulan ang mga produkto o yaman galing sa America at Asia. 


             NETHERLANDS          


Dahil na rin sa pagbabawal ng Spain at ng Portugal na makapunta ang mga negosyanteng Olandes sa kanilang daungan, nahikayat nang maglayag at makipagkalakalan sa ibang lugar ang mga Olandes. Kilala sa paglalayag si Cornelis de Houtman na naguna sa mga ekspedisyon.
Nakapagtatag sila ng sentro ng kalakalan sa mga lugar.
Naging matagumpay rin sila sa Moluccas, Japan, at maging sa ilang bahagi ng Africa sa kanilang pakikipagkalakalan. Nagawa nilang makontrol ang suplay at ang pagtakda ng presyo ng mga produkto tulad ng mga pampalasa, cinnamon, at paminta.


            F R A N C E           


And Italyanong si Giovanni de Verrazano ay naglingkod sa pamahalaang France at siya ang unang Europeong lumibot sa bahagi ng North America na nakaharap sa Atlantic Ocean. Naghain din siya ng pag-aari ng mga lupain sa North America para sa France.
Inari ni Cavelier de La Salle ang lambak ng Mississippi para sa pamahalaan at binansagan itong Louisiana, hang okay Luis XIV.
Nakipagpaligsahan sila sa mga Ingles sa pakikipagkalakalan at matagumpay na nakuha ang Pondicherry na matatagpuan sa India. Nasakop nito ang mga bansa sa Indochina (Vietnam, Laos, at Cambodia ngayon) hanggang sa pagpirma ng Geneva Agreement on Indochina (1954) na nagpalaya sa tatlong bansa.



No comments:

Post a Comment